ayan na!
meron na kong bagong blog!
tingnan naten kung magiging maganda ang simula ko dito..
hmmm...
yoroshiku onegai shimasu!
ano ba ang unang sinasabi sa mga unang posts? naku. hindi ko alam. hahaha!
o sige, magpapakilala nalang ako;
ako nga pala si nikki.
18 years old.
pero malapit nang maging 19.
sa october 8 na!
hahahaha..
batiin nio ko sa kaarawan ko ha!
single and available!
kung gusto nio akong makilala pa ng husto: http://www.friendster.com/orangeponkan
oh ayan ang friendster account ko. hehehe..
dati akong masugid na taga-post sa friendster blogs..pero nag-suggest ang kaibigan ko na lumipat nalang ako dito kasi mas maganda daw dito.. which is totoo nga. hahaha..
ano ba ang chika ko sa ngaun??
hmmm...
eto, umaga na pala, pero di pa rin ako dinadalaw ni antok. may away kasi kami ni antok eh, e magkakampi sila ni tulog kea eto, iniisnab nila ako. alam nio naman, mortal na magkaaway ang mga insomiac kina tulog. hahaha kea eto pati si antok sinasabotahe ako..alam mo naman, BFF sila ni tulog.
parang ung away lang ng isang kaibigan ko.
away namen ng kaibigan ko.
ewan ko kung KAIBIGAN o KA-IBIGAN ko sya.
naku.
sabihin na lang naten na may gusto sya saken. pero ako, walang gusto sa kanya. pero okay naman sya. kaso ang problema, madalas kaming mag-away. madalas kasi kaming may misunderstanding. sayang kasi maganda ang impression ko sa kanya..sobra. gusto ko na nga sya dati eh, kaso nung tumagal, di ko na nagugustuhan ang mga ginagawa nia..madalas kasing hindi niya naiintindihan ang mga gusto ko, at hindi ko din maintindihan ang gusto nia.
ang gulo noh.
oh eto halimbawa;
eto ung pinaka-huli naming pinagtalunan. hanggang ngayon, di pa din naayos:
malakas mang-asar ung mga kabarkada nia. as in malakas mangantyaw pagdating sa mga loveteam loveteam naming mga magkakaklase..well na-reshuffle na kami kea di ko na sila kaklase pero close pa din kami ng mga un..well ung iba lang.
ang problema ko kasi sa kanya, itago natin sa pangalang Hiroki, eh ayaw niang natutukso. nahihiya daw kasi sya..kaya kapag nasa school kami, di niya ako kinakausap, which is ayaw ko kasi nga parang nakakaloko naman kung sa text at chat lang kmi nag-uusap.
ewan ko kung nag-iinarte ba ko o demanding pero para saken kasi e parang ang pangit naman ng ganun.
so aun nga.
edi nung matagal na niyang ginagawa un, nainis na ko. tapos dun sa friendter blogs, nagpost ako. lahat ng inis ko sa kanya, nilagay ko dun. e anu ba namang alam ko na binabasa pala niya ung basurang blog na un! ayun, kinausap nia ako sa chat tapos ayun dun na nagsimula ang away.
nagreact kasi tong si Hiroki dun sa post ko. which is obvious kasi sya lang naman ang recent na nalilink saken at tinamaan sya dun sa mga nakalagay dun. (e sya lang naman ang mga nagsabi nun eh..lam na nia sa sarili niya..) aun.
tumagal ung away namen kasi kung saan-saan na napunta ang usapan namen.
basta.
nakakatamad magkwento. tutal tatamarin din naman kaung magbasa kasi NAPAKAhaba nia..hehehehehe..
niloloko nga ako ng kaibigan ko.
hindi daw kasi kami compatible.
Libra ako, Sagittarius sya.
ang advice nia saken, maghanap nalang daw ako ng Leo o kea ng Gemini.
mas compatible daw un saken.
pwede din daw Libra.
hahahahaha...
nakakaloka.
anyway, masyado nang mahaba to para sa unang post ko.
sa susunod nalang!
mata mite nee!!!
Sunday, August 24, 2008
mwahahahaha!!!
posted by nikki at Sunday, August 24, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
hahaha. Oy Ponkan, maglagay ka rin ng CBOX! ^___^ yey dito na tayo. muahahaa
aba aba! wahaha
welcome pongkan to the werld of PKblogging! mwahahaha
Madam Barney saaaayss...
"MAGHANAP KA NA NG LEO"
hahahahahahahaa XD
hi... bloghoppin!
Post a Comment