hay naku.
programming na naman mamayang 8:00 am.. alam nio ba, terror ang professor namen dun..as in! SOBRA! hindi ko alam kung anu ang depinisyon nio sa terror, pero dun sa prof ko na yun, nagiging tamad ako kahit na masipag akong pumasok. gusto nio bang malaman kung bakit?
eto ang ilan sa mga dahilan..
situation number 01:
first day ng klase.
napansin nyang hindi naka-uniform ung isa kong kaklase. ang katwiran ng kaklase ko eh first day pa lang naman, usually di nagkaklase ang mga prof pag ganun.. pero.. nagkamali kami. nagkaroon kami ng isang malaking "X" sa mukha! at eto na, sumabog na ang butsi ng professor kong kasing buhok ni Dyesebel (super kulot kasi ng buhok nia). at pinatayo ang kaklase kong iyon. hotseat. center of attention. at center of the earth ang dating. mainit ang eksena. parang sex scandal lang.
tinanong nia kung bakit di naka-uniporme ang kawawa kong kaklase na muka namang ok pa naman.. mukang malakas ang fighting spirit. masaya pa syang nangatwiran.
"mam, wala pa po kasi akong sapatos. wala po kaming pambili."
natigilan si mam dyesebel. akala ko ay natalo na agad sya sa laban. akala ko sumuko na sya at di na papalag. pero akala ko lang un..dahil nagsisimula pa lang pala ang laban. nantaas ang kilay ni mam d. sa loob-loob ko, nagdadasal na kong biglang sumabog ang xerox machine sa labas ng klasrum namen nang matapos na ang kabang nararamdaman ko..marami na kasi akong haka-hakang narinig na mahilig mangpahiya ng studyante ung sirenang yun eh. at bigla syang nagsalita;
"at ano naman ang pakialam ko dun?un lang ba ang dahilan mo?bakit, wala ka bang lumang sapatos?dapat nagsabi ka muna para nag-ambag ambag kami para mabilhan ka ng bagong sapatos..ay teka, gusto mo tumayo ka dito sa harap, tas sabihin mo ung dahilan mo kung bakit di ka naka-uniporme, nang maawa naman kami sayo.. sino ba ang may celpon jan na mejo hi-tech? o papavideohan pa kita..pakitawag nga dun sa faculty room kung sino ang mga professor na walang ginagawa para naman may audience tayo sa drama mo..ano?papatawag ko na?"
ang lupet ni mam! ang taray!
sa haba ng mga sinabi niang pambabara ay tila apoy na natupok ang nangyare sa fighting spirit ng kaklase ko. ayun..natahimik ang buong klase. nakakabingi. at di pa natapos dun ang pangangain. kinuha nia ang lahat ng mga class card. binalasa. at biglang nagsabi na magkakaroon daw kami ng graded recitation.
ANAK NG PUT#$@!@&^#!% NAMAN! dalawang buwan ang bakasyon! di man lang sumagi sa isip ko na bigyan ng stress ang sarili ko sa pagaaral nung mga oras na yun. may alam naman ako sa programming. yung syntax. haha! pero di sapat un.
well buti naman at di ako natawag. pero lahat ng mga natawag ay nabigyan agad ng minus 5. grabe. natatakot.
situation number 02:
recitation.
natawag ang katabi ko. last meeting kasi, inexcuse sya kasi my praktis sila ng sayaw na ipepresent sa skul. basta ganun un. pinatayo. tinanong ng "what is turbo c?" WTF?! ang naaalala ko lang eh last semester, tinuruan kami na magprogram, pero di na tinackle ung ekek na un. aba, magagamit ba un sa pagpoprogram? pero ngayon alam ko na kung bakit dapat pag-aralan ang mga bagay na iyon...para mabuhay ka sa mga sitwasyong kagaya ng sa nangyare sa kaklase ko. pero kagaya ko, di nia alam un. magkaklase din kasi kami last semester kaya di din nia alam un. at malas nia. matalas ang memorya ni mam d. naalala sya.
"di ba ikaw ung nagpa-excuse saken last meeting?"
"yes mam."
"so anu to?what is turbo c lang di mo pa masagot?! ano bang alam mo? magsayaw lang? o sige, sabihin mo, ano ba ang alam mo?"
"basic programming po."
"ok. o sige, isulat mo sa board LAHAT ng basic program na alam mo."
aray. "ano ba ang alam mo?". ang sakit kayang masabihan ng ganun.
situation number 03:
recitation:
isang kaklase namen ang nagtanong.
"mam, kung magulo po ung paglalagay ng function calling, anu po mangyayare sa program?"
(note: kung di mo alam ang programming, basta gagung tanong to)
"o sige, ibabalik ko sayo ang tanong mo─"
"e mam kasi po hin─"
"..pag di mo nasagot yang tanong mo, ida-drop kita sa subject na to."
ang taray! kahit mga gagung studyante napapatino nia! well di naman gagu ung nagtanong, pero ung tanong ang gagu. kung sabagay, ok ung pagdedepensa nia sa sarili nia..pero nakakatakot.
situation number 04:
after ng quiz.
binabasa niya ang mga gawa namen.
at isa ang papel ko sa mga inokray nia.
lecheng apostrophe kasi yan eh..bakit ba nakaligtaan ko pang ilagay! ayun, sinulat pa nia sa board ang mali kong syntax at sabay sabay na pinagtawanan ng buong klase ang kamalian ko. akala ba niya nakakatuwa ung ginagawa nia?naku ha..sya lang ang nag-enjoy! buti nalang at nagkaroon pa sya ng kaunting respeto saken at di na niya nilagay ang pangalan ko sa board. leche flan talaga.
madami pa yan eh..nakakatamad iblog. baka tamarin ka lang magbasa.
dahil sa kanya, lumakas ang pananalig ko sa diyos. palagi na kong nagdadasal na wag na syang mamahiya. palagi na kong nagdadasal na masalanta ng bagyo ang PLM.
natuto akong magalit ke Gloria kasi di nia ginagawang holiday pag tuesday, puro monday lang.
minsan nga, gusto kong magpasabog ng tear gas sa room para matapos na ang pananalasak ng katarayan ni mam d. haaay..
o sige na, matutulog na ko.
ipagdasal nio nalang na makauwi pa kong buhay..
ilang oras nalang..judgement day na..
Monday, August 25, 2008
programming.
posted by nikki at Monday, August 25, 2008
Labels: professor, programming
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment